Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: PBA veteran na si PJ Simon pumanaw na sa edad na 46

Malungkot na balita ang yumanig sa Philippine basketball community nitong Biyernes ng gabi. 

Pumanaw na si eight-time PBA champion Peter June Simon o mas kilala bilang PJ Simon sa edad na apatnapu’t anim na taon. 

Sa mga kumalat na video sa social media nitong Biyernes, nahihirapan nang huminga ang PBA veteran habang nakaupo sa bench sa exhibition game sa Davao City. 

Kalaunan, kinarga siya at isinugod sa ospital. Biyernes ng gabi rin, kinumpirma ng kanyang dating team na Magnolia Hotshots ang kanyang pagpanaw. 

Nagpapatrol, Paige Javier. TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026

Leave a Reply