Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Bgy. 628, Maynila
Nasusunog ang isang residential area sa Road 13, Bgy. 628 sa Maynila ngayong Sabado ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy dakong 4:21 ng hapon.
Agad iniakyat sa ikatlong alarm ang sunog dakong 5:01 ng hapon matapos kumalat ng apoy sa magkakatabing mga bahay.
Nasa halos dalawampung firetrucks mula BFP at fire volunteers ang nasa lugar ngayon para apulahin ang sunog.
Nakataas sa ikatlong alarma ang sunog.