TV PATROL: Negosyante ginawang negosyo ang organic products
Nang dahil sa espesyal na kondisyon noong siya’y bata pa, tanging organic goat milk lamang ang pwedeng inumin ng negosyanteng si Koko Davila-Palaganas.
At sa kanyang pagtanda, dinala niya ang konsepto ng natural and organic products bilang kanyang kabuhayan! Noong una, hobby lang niya ang paggawa ng kandila at mga sabon.
Sinubukan niya itong ibenta sa panahon ng Kapaskuhan at nagulat siya dahil naging patok ito! Alamin ang kabuuan ng kanyang kwento sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’
TV Patrol, Sabado, 21 Nobyembre 2026