Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Sawa nagpatigil ng trapiko sa kalsada sa Maynila

Napahinto ang mga motorista nang sumulpot ang isang sawa mula sa manhole sa gitna ng kalsada sa Maynila ngayong Linggo ng madaling araw. 

Nakunan ng video ng 32-anyos na stand-up comedian at delivery rider na si Kent Bautista ang paggapang ng sawa, na tinatayang nasa apat hanggang limang talampakan ang haba, sa intersection ng CM Recto Avenue at Nicanor Reyes Street. 

Kwento niya, kahit naka-green na ang traffic light hindi umandar ang mga motorista nang makita ang sawa. 

Pero nagulungan pa rin ng isang sasakyan ang ahas, na kalaunan ay gumapang at sumiksik pabalik sa butas ng imburnal. 

TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply