TV PATROL: Mga kaibigan at dating teammates bumisita sa burol ni PJ Simon
Bumisita ang mga kaibigan at dating teammates sa burol ng yumaong dating PBA star na si PJ Simon sa isang punerarya sa Davao City.
Puno ng pagdadalamhati ang mga kaanak at mga nakiramay sa kanyang biglaang pagpanaw.
Bumisita rin sa burol si Senator Bong Go, chairperson ng Senate Committee on Sports at ninong sa kasal ni Simon.
Sa social media post ng dating teammate na si Paul Artadi, makikita ang pagdalaw ng ilan pa nilang dating kasamahan sa basketball para magbigay-pugay at makiramay sa pamilya ni Simon.
Nakiusap naman ang pamilya ni Simon sa publiko at sa media na bigyan muna sila ng pribadong panahon sa pagdadalamhati.
TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026