TV PATROL: Kampo ni Sen. Dela Rosa iginiit na wala siyang nilabag na Senate rules kaugnay ng ethics complaint sa kanya
Naghain ng resolusyon si Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III para maisama sa Senate rules ang pagbabawal sa patuloy na di-awtorisadong pagliban ng mga senador.
Kasunod ito ng pagsasampa ng ethics complaint kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na kalahating taon nang hindi pumapasok sa Senado dahil sa pagtatago sa batas.
Giit ng kampo ni Dela Rosa, patuloy namang nagtatrabaho ang kanyang opisina.
Pero para sa ekonomistang si Cielo Magno na isa sa mga nagsampa ng reklamo, hindi dapat ito ang batayan para masabing nagtatrabaho ang mambabatas.
Dagdag ni Magno, dapat manindigan ang mga staff ni Dela Rosa lalo na kung posibleng maapektuhan ang kanilang trabaho sa pagkakasara ng opisina sakaling mapatalsik ang Senador.
Nagpapatrol, Allison Co. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026