TV PATROL: 15-anyos patay matapos saksakin ng kabarkadang binatilyo sa Calamba City
Patay ang isang 15 taong gulang na binatilyo matapos pagsasasaksakin ng kapwa menor de edad sa Calamba City, Laguna.
Nangyari ang insidente noong November 18 sa tapat ng isang tindahan sa Barangay Dos kung saan nagkaasaran umano ang magkabarkadang suspek at biktima.
Damay rin sa kaso ang ama ng suspek dahil sa pag-udyok umano sa anak para gawin ang krimen.
Kinasuhan na ng homicide ang suspek na nasa pangangalaga na ng DSWD at itinuturing na ‘child in conflict with the law’ habang pinaghahanap pa ang kanyang ama na sinamapahan din ng reklamong homicide.
Exclusive, nagpapatrol, Dennis Datu. TV Patrol, Miyerkules, 25 Nobyembre 2026.