Wednesday, November 25, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘Turtle mentality’ na sagot ni Bea Millan-Windorski sa Miss U tumatak

Bukod sa kanyang magandang performance sa 75th Miss Universe, tumatak din si Bea Millian-Windorski sa kanyang sagot sa final question and answer kung saan ibinida niya ang konseptong tinawag niyang ‘turtle mentality.’

Paliwanag niya, nagpapaiwan ang mga malalakas na batang sea turtle para tulungan ang kanilang mahihinang kapatid na pagong oras na kailangan na nilang mamuhay sa dagat. 

“I wish that our world leaders would embrace the same mentality and realize that when one rises, we all rise,” sabi ni Bea sa pagtatapos ng kanyang sagot sa Q&A.

Sabi ni Bea, natutunan niya ito bilang isang environmentalist at bilang volunteer sa pangangalaga ng sea turtles sa loob ng sampung taon.

Ipinagmalaki naman ng Miss Universe Philippines ang naging sagot ni Bea.

Anila, kumpara sa tinatawag na ‘crab mentality’ o utak talangka, ang ‘turtle mentality’ ay hindi nanghihila ng iba para makausad at isang ‘mindset’ na dapat pamarisan.

TV Patrol, Miyerkules, 25 Nobyembre 2026.

Leave a Reply