TV PATROL: Kotse nahulog sa gusali sa Makati; driver patay
Isang kotse ang nahulog mula sa isang gusali sa Jimenez Street, Barangay San Lorenzo, Makati City na ikinasawi ng driver nito.
Sapul sa CCTV kung paano umikot at tumaob ang kotse bago tuluyang tumama sa kalsada matapos lumusot sa pader sa ikaapat na palapag ng gusali.
Wala namang nadamay sa mga dumaraang tao sa lugar nang mangyari ang insidente.
Kinumpirma naman ng Ascott Limited Philippines, ang operator ng Citadines Benavides Makati, na tenant sa kanilang private residence ang driver ng kotse at nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad sa isinasagawang imbestigasyon.
Live mula sa Makati City, nagpapatrol si Bianca Dava. TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026.