TV PATROL: Bagong market hub itatayo para sa mga vendor sa Baclaran
Sisimulan nang itayo ang bagong ‘Baclaran Multimodal and Market Hub’ na layong magbigay ng permanente at organisadong pwesto sa mga street vendor sa paligid ng Baclaran church at nang maibsan ang mabigat na traffic sa lugar.
Isinagawa ngayong Huwebes ang groundbreaking ceremony nito kasama ang Metropolitan Manila Development Authority at nakakasakop na lokal na pamahalaan.
Itatayo ito sa reclaimed area sa tapat ng Baclaran Church hanggang sa bahagi ng Barangay 76 sa Pasay City.
TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026