TV PATROL: Mainit at maalinsangang panahon aasahan sa malaking bahagi ng bansa
Mainit at maalinsangang panahon ang aasahan sa malaking bahagi ng bansa bagamat may mga pag-ulan pa rin sa ilang lugar lalo sa hapon at gabi.
Nitong Huwebes ng hapon, pumalo sa 43 degrees celsius ang pinakamataas na heat index o yung damang init ng katawan base sa pinagsamang epekto ng temperatura at dami ng moisture sa hangin.
Naitala iyan sa Coron, Palawan, Dipolog City at Puerto Princesa City.
Bukas, Biyernes, pitong lugar ang pwedeng makaranas ng delikadong antas ng damang init:
43 degrees muli sa Coron, Dipolog, at Puerto Princesa habang
42 degrees celsius naman sa Butuan City, Cuyo Palawan, Dagupan City, at Zamboanga City.
TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026