Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Buwis sa kape iminungkahi; suhestyon tinabla sa Kamara

Buwisan ang kape imbes na alak ang naging suhestiyon ng kinatawan ng samahang gumagawa ng nakalalasing na inumin sa pagdinig sa Kamara tungkol sa excise taxes.

Ayon sa kinatawan ng Distilled Spirits Association of the Philippines, bumababa ang konsumo ng alak at fermented liquor tulad ng beer at nag-iiba na rin ang consumer behavior.

Pero aniya, ang mga Gen Z ay hindi na masyadong umiinom ng alak at mas gusto ng kape, kaya ito dapat ang pag-isipang patawan ng excise tax.

Agad naman itong tinabla ng lider ng House Committee on Ways and Means na si Representative Miro Quimbo, na tinawag na ‘dead on arrival’ ang naturang suhestyon.

Paliwanag ni Quimbo, ipinapataw ang excise tax para iwasan ng publiko ang mga bagay na mapanganib sa kalusugan, tulad ng sigarilyo, nakalalasing at matatamis na inumin habang wala namang patunay na masama ang kape. 

Nagpapatrol, Vivienne Gulla. TV Patrol, Huwebes, 26 Nobyembre 2026.

Leave a Reply