TV PATROL: Mga nagrereklamo laban sa pet crematorium sa Bacoor, Cavite umabot na sa halos 300
Umabot na sa halos 300 reklamo ang inihain sa pulisya laban sa pet crematorium sa Bacoor, Cavite na iniuugnay sa pagtatapon ng labi ng mga aso at pusa sa Bulacan.
Sumailalim na rin sa forensic examination ang mga abong isinumite ng mga fur parent para matukoy kung talagang nagmula ang mga ito sa kanilang mga alagang hayop.
Nauna nang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Bacoor ang crematorium na kinilalang ahjay paws aftercare. Itinanggi nila ang mga paratang pero hindi pa muling nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Nagpapatrol, Karen de Guzman. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.