Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Malacañang kinukumpirma pa kung makadadalo si Chinese Pres. Xi sa ASEAN Summit

Kinukumpirma pa ng Malacanang kung makadadalo si Chinese President Xi Jinping sa ASEAN Summit na gaganapin sa bansa ngayong Nobyembre. 

Sa gitna ito ng mga ulat hindi umano makadadalo ang pangulo ng China sa Summit. 

Sinabi ni DFA ASEAN Office Executive Director Dominic Xavier Imperial na inaasahan nilang dadalo ang ilang world leaders, pero hindi nito kinumpirma kung si Xi mismo ang dadalo o ang foreign minister nito. 

Naunang sinabi ng Malacanang umaasa itong dadalo si Xi sa gitna ng palitan ng maiinit na pahayag sa pagitan ng mga opisyal ng embassy ng Pilipinas at China. 

TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.

Leave a Reply