Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 5 probinsya nakararanas ng mahabang tagtuyot dahil sa umiiral na ‘very strong El Niño’

Bitak-bitak na lupa, tuyong mga halaman at mga insidente ng grass fire — ilan ito sa mga larawan mula sa ilang probinsya na ipinakita sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food kanina kaugnay ng banta ng super El Niño.

Inanunsyo ng PAGASA Weather Bureau na may umiiral nang “very strong” o napaka-lakas na El Niño na sa tropical pacific.

Sabi ng PAGASA, limang probinsya na sa bansa ang nakararanas ng prolonged drought o nasa limang buwang halos walang pag-ulan.

Iyan ay sa Albay, Catanduanes, Negros Oriental, Samar, at Siquijor.

Nitong Oktubre pa lang, tinatayang nasa 8.57 billion pesos na ang naitalang pinsala sa agrikultura ng tagtuyot.

Higit labing isang bilyong piso naman ang halaga ng tulong na naiabot ng gobyerno sa mga apektado.

Ayon sa Department of Agriculture, halos P62 billion ang nakalaan nilang pondo ngayong taon para paghandaan at tugunan ang banta at epekto ng El Niño.

Nagpapatrol, Vivienne Gulla. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026 

Leave a Reply