TV PATROL: Babae patay matapos tamaan sa ulo ng bakal na inihagis ng lalaki sa QC
Patay ang isang babae matapos tamaan sa ulo, ng inihahagis na bakal ng isang lalaki mula sa isang construction site sa Quezon City.
Sinasabing pagnanakaw umano ang pakay ng suspek, kaya inilalabas ang mga bakal mula sa site.
Nasa kustodiya na ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang suspek na dati nang nakasuhan ng pagnanakaw.
Mahaharap siya ngayon sa kasong homicide.
Exclusive nagpapatrol, Jeff Caparas. TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026