TV PATROL: Lalaki arestado matapos laslasin ang leeg ng pinsang babae matapos magtalo sa utang
Nilaslas ng lalaking suspek ang leeg ng kanyang pinsang babae sa Pulilan, Bulacan matapos umano siyang tanggihan sa hinihinging kondisyon bago pautangin.
Nangyari ang insidente sa loob ng sasakyan ng suspek habang nakaparada sa parking lot ng mall sa Pulilan noong Huwebes ng hapon.
Nauwi ito sa pagtatalo hanggang humantong sa pananakit. Napansin ng guwardiya ang komosyon kaya sinita sila pero humarurot paalis ang sasakyan.
Mula sa Bulacan, umabot sila sa Baguio City kung saan tumirik ang sasakyan dahil naubusan ng gasolina.
Sumuko ang suspek sa pulisya at mahaharap sa patong-patong na kaso.
Nagpapatrol, Bea Cuadra. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026