TV PATROL: BINI nagpakatotoo, ipinakita ang vulnerable side sa ‘Gandang Gabi Vice’
Nagpakatotoo at mas nakilala ang personal side ng BINI sa kanilang pagbisita sa ‘Gandang Gabi Vice.’
Aminado ang Nation’s Girl Group na naging ‘therapeutic’ ang naging diskusyon nila sa ‘GGV’ na mula sa kulitan at tawanan ay nagkaroon din ng heart-to-heart na kuwentuhan.
Para naman kay Vice Ganda, mahalagang makita ng mga manonood na sa likod ng kasikatan ng BINI, mga karaniwang dalaga rin silang may sariling pinagdaraanan.
Tila naman unstopabble ang walo na sumungkit ng dalawang international awards sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards at Jupiter Music Awards nitong weekend.
Nagpapatrol, Ganiel Krishnan. TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026.