Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Diplomat, humanitarian, advocate pinarangalan sa Ramon Magsaysay Awards

Tatlong indibiduwal mula sa Singapore, Bangladesh, at Myanmar ang kinilala para sa kanilang kontribusyon sa diplomasya, makataong serbisyo, at pagtaguyod sa hustisya sa 68th Ramon Magsaysay Awards presentation ceremonies nitong Linggo.

Pinarangalan ngayong taon sina Singaporean diplomat Tommy Koh, Bangladeshi humanitarian Runa Khan, at Myanmar human rights advocate Bo Kyi. 

Sa pagtanggap ni Bo Kyi ng parangal, nakasulat sa suot niyang damit sa seremonya ang mga pangalan ng mahigit 8,000 napatay umano sa ilalim ng rehimeng militar sa Myanmar.

Ayon sa pamunuan ng Ramon Magsaysay Award Foundation, isinusulong ng mga awardee ngayong taon ang legacy ng mga lider, na nagpapakita kung paano nababago ng integridad, katapangan at malasakit sa kapwa ang lipunan.

TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026.

Leave a Reply