Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 2 suspek sa pamamaril sa babae sa Taguig arestado; droga posibleng motibo

Arestado ang riding-in-tandem na suspek sa pamamaril sa isang babae sa loob ng bahay nito sa Taguig City.

Naabutan ang dalawang suspek na pinipinturahan pa ang helmet na suot nila nang gawin ang krimen.

Bukod sa mga helmet at plaka, nakumpiska din ng mga awtoridad ang isang baril na hinihinalang ginamit sa krimen.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek pero naniniwala ang pulisya na ilegal na droga ang posibleng motibo ng mga ito.

‘Yan ang CCTV Patrol ni Bea Cuadra. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.

Leave a Reply