Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Alex Eala special guest sa running event na layong suportahan ang mga kababaihan

Hindi lang ang Pinay tennis ace na si Alex Eala ang nagbibigay inspirasyon ngayon dahil siya mismo ay na-motivate rin ng mga kapwa Pinay. 

Surprise guest si Eala sa kauna-unahang ‘After Dark Tour’ ng isang sports apparel giant nitong Sabado. 

Si Eala ang nag-flag off sa halos pitong libong runner sa ‘Kilometer Zero’ sa harap ng Rizal Park Luneta sa Maynila. 

Todo cheer at kaway si Eala para ganahan at ma-motivate ang mga runner. 

Para sa Pinay tennis ace, malaking bagay na makita ang suporta sa mga kapwa babae, lalo na sa larangan ng sports at fitness. 

Nagpapatrol, Paige Javier. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply