TV PATROL: LTO naglabas ng show cause order at sinuspende ang lisensya ng isang kilalang vlogger
Naglabas ang Land Transportation Office ng show cause order at pinatawan ng 90-day preventive suspension ang lisensya ng isang kilalang vlogger.
Ito’y matapos mag-viral ang mga video at larawan niyang nagmamaneho nang walang helmet kasama ang dalawang backrider at iba pang mga rider na wala ring suot na proteksyon.
Bukod dito, nakita rin siyang kumukuha ng larawan habang nagmamaneho.
Pinaharap ng LTO ang vlogger sa district office nito sa Palawan para magpaliwanag sa mga posibleng paglabag sa helmet law, overloading, reckless driving at paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026