Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: DFA nabigla sa pahayag ni Trump tungkol sa 100% pag-angkat ng pagkain at enerhiya

Ikinagulat ng Department of Foreign Affairs ang pahayag ni US President Donald Trump na sa Amerika kukunin ng Pilipinas ang siyento porsiyentong mga import nito ng pagkain at enerhiya.

Sa Senate budget hearing nitong Martes, iginiit ng kagawaran na wala silang alam sa anunsyo ni trump.

Ayon kay Senador Erwin Tulfo na siyang nag-sponsor ng budget ng DFA, tanging usapin sa taripa ang natalakay sa mga naunang negosasyon bago ang pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Trump sa ASEAN Summit.

Kinuwestiyon ni Senador Imee Marcos  kung hindi rin ba isinama ang DFA nang mag-usap ang dalawang pangulo sa ASEAN at APEC meetings.

Sa ngayon, hinihintay pa ng DFA ang opisyal na paglilinaw mula sa Washington. 

TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026

Leave a Reply