Sunog sumiklab sa abandonadong gusali sa QC
Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Barangay Immaculate Conception, isang bakanteng gusali ang pinagmulan ng sunog. Courtesy: Tine Beeong via Christopher SitsonMAYNILA — Sumiklab ang sunog sa bahagi ng residential area na sakop ng E. Rodriguez Sr. Avenue, Barangay Immaculate Conception, Quezon City pasado alas-7 ng umaga ng Martes, Oktubre 13.
Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Barangay Immaculate Conception, isang bakanteng gusali ang pinagmulan ng sunog.
Rumesponde na ang Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers para apulahin ang apoy na itinaas sa unang alarma dakong 7:31 ng umaga.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi nito.