Saturday, October 17, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Sunog sumiklab sa abandonadong gusali sa QC

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Barangay Immaculate Conception, isang bakanteng gusali ang pinagmulan ng sunog. Courtesy: Tine Beeong via Christopher Sitson

MAYNILA — Sumiklab ang sunog sa bahagi ng residential area na sakop ng E. Rodriguez Sr. Avenue, Barangay Immaculate Conception, Quezon City pasado alas-7 ng umaga ng Martes, Oktubre 13.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Barangay Immaculate Conception, isang bakanteng gusali ang pinagmulan ng sunog.

Rumesponde na ang Bureau of Fire Protection (BFP)  at fire volunteers para apulahin ang apoy na itinaas sa unang alarma dakong 7:31 ng umaga.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi nito.

 
           

Leave a Reply